Horoscope, December 3, 2020

Para sa may kaarawan ngayon: Happy ka ngayon, dahil sa isang nilalang na alam mong patuloy na nagmamahal sa ‘yo. Alagaang mabuti ang suyuan hanggang umabot sa araw ng mga puso. Sa pinansyal habang in love sa taon ito, tuloy ang pasok ng suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 3, 9, 27, 30, 39, at 48. Red at green ang buenas. Swerte sa initial na R. at V.
Aries – (Marso 21-April 19- Sa taong ito ng 2020 iwasang mag-isip ng hindi maganda! Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportsunidad. Sa pag-ibig, dapat lang na pagtiwalaan ang kasuyo upang lalo pang lumigaya ang relasyon. Markahan ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Gold at pink ang buenas. Swerte sa initial na D. at I.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa taong ito ng 2020 gawing kalugod-lugod ang trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang magkakapera at yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming suwerteng darating. Markahan ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na G. at O.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa taong 2020 kusa at isa isa ng matutupad ang mga pangarap mo sa buhay lalo na sa aspetong pangmateryal. Sa lovelife ang pakikipagrelasyon sa isang Libra ay higit na magdudulot ng sarap at ligaya. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36, at 49. Silver at green ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.
Cancer – (June 22- July 22)-Sa taong ito ng 2020 tanggapin ang inaaalok na negosyo ng isang kaibigan na may kaugnayan sa pagkain at tindahan. Sa nasabing negosyo ka yayaman. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. White at beige ang buenas. Swerte sa initial na B. at A.
Leo – (July 23 – August 22) -Habang pumapasok ang taong 2020, tuloy-tuloy ding darating sa buhay mo ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran. Kaya lang may kundisyon ang langit, upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran, ituloy mo riin ang palihim na pagtulong sa mga mahihirap at sa mga kapos-palad. Markahan ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Yellow at violet ang buenas. Swerte sa initial na R. at J.
Virgo – (August 23 – September 22)- Panahon na upang magtipid, wag gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa lovelife, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot upang mapaglaanan nyo ang nalalapit na Valentine’s day. Markahan ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Metallic blue at violet ang buenas. Swerte sa initial na S. at C.
Libra – (September 23-October 23)- Sa taong ito ng 2020 nasa sarili mong pagsisikap ang pagyaman at pag-asenso. Sa lovelife, may lihim na nagnanasa sa’yo, isang katabi na nakasuot ng blue. Markahan ang 3, 12, 27, 30, 42 at 47. Bukod sa blue buenas din ang pink. Swerte sa initial na M. at J.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Malungkot ka na naman, nauubos na kasi ang dating makapal na pera. Wag ng ma-sad, sa buwan ng Pebrero maraming biglaang pera ang darating. Sa lovelife, puwede ng pagtiyagaan ang isang Aries. Markahan ang 3, 9, 17, 26, 41, at 49. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na R. at T.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa pag-ibig, sa taong ito ng 2020 iwasan ang illicit love affair. Sa lovelife wag makipag-landian kung kanikanino. Sa panansiyal, habang dumadami ang tukso patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Markahan ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Maroon at purple ang buenas. Swerte sa initial na P. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Sa taong ito ng 2020 lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa lovelife wag mahirati sa pag-iisa, kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabilis kang yayaman at liligaya. Markahan ang 5, 14, 23, 34, 44, at 48. White at blue ang buenas. Swerte sa initial na D. at M.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Sa taong ito ng 2020 habang pinagbubuti ang iyong ginagawa lalo kang kikita ng limpak-limpak na salapi. Sa lovelife, hindi puwede ang makaraos lang, kailangang maibigay mo ang the best. Markahan ang 7, 16, 19, 28, 43 at 45. Gray at red ang buenas. Swerte sa initial na M. at S.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa taong ito ng 2020 mas madaling masusulusyunan ang mga problema kung laging payapa ang isipan. Sa unang oras sa umaga, ayain ang kasuyo sa simpleng pagyo-yoga – ipikit ang mata habang naka-lotus seat, bigkasin ng paulit-ulit ang mahiwagang salitang: “Ang katiwasayan, kapayapaan at kasaganaan ang sasaakin sa buong taong ito ng 2020.” Markahan ang 4, 7, 25, 34, 43, at 48. Blue at indigo ang buenas. Swerte sa initial na N. at C.

Read more...