Solenn Heussaff nanganak sa pagpasok ng Bagong Taon: Nico Bolzico proud daddy

IPINANGANAK na ng Kapuso TV host-actress na si Solenn Heussaff ang panganay na anak nila ni Nico Bolzico.

Mismong January 1, 2020 Bagong Taon lumabas ang kanilang baby girl na pinangalanan nina Solenn at Nico ng Thylane Katana.

Ibinalita ng Kapuso actress ang good news ngayong araw sa kanyang Instagram account na may caption na, “Best way to welcome 2020. So in love with you Thylane Katana.”

Bago pumasok ang Bagong Taon, nag-post pa si Nico sa IG ng photo ng asawa habang nasa loob ng isang hospital room. Base sa geotag na ibinahagi ni Nico makikitang sa St. Luke’s Medical Center nanganak si Solenn.

Nilagyan niya ito ng mensaheng, “Advance Happy New Year! Looks like we are spending it in an unexpected place this time! Waiting for #BabyBolz!

“Disclaimer: hopefully this is not #Wifezillapranking me and going too far!”

Kung matatandaan, in-announce ng showbiz couple na magiging magulang na sila noong August, 2019. Ikinasal ang dalawa noong May 21, 2016 sa France.

Read more...