HAPPINESS overload ang puso ni Momshie Karla Estrada last Christmas. Kumpleto ang pamilya at maging ang superstar niyang anak na si Daniel Padilla ay nakasama nila sa Christmas celebration ng pamilya.
At siyempre, present din ang boyfriend ni Momshie Karla na si Jam Ignacio sa kanilang family event.
Hopefully, nakapag-bonding sina Jam at Daniel at ‘di palaging si Jordan na “anak-anakan” ni Momshie Karla ang lagi niyang katabi based sa pictures na ipinost niya on her Instagram account.
Anyway, inubo si Momshie Karla nu’ng banggitin niya ang dobleng saya na nilu-look forward niya nu’ng Pasko sa special Christmas episode ng morning show nilang “Magandang Buhay.”
This year daw kasi ay meron nang makakasama si Momshie Karla na “someone special” after so many years, aside from her children. At yun ay walang iba kundi si Jam Ignacio.
Ngayon lang din sa Christmas episode ng Magandang Buhay na may nakasama na si Momshie Karla na “dyowa” gaya ni Mark Escueta at Momshie Jolina Magdangal at Jason Francisco with Momshie Melai.
Kyut din ang sagot ni Mark nu’ng tinanong siya ni Momshie Melai kung may plano na ba sila ni Momshie Jolina for Baby No.3.
“Noon pa man na dumating ang aming Baby No.1, nasa plano na namin ang Baby No. 5,” nakangiting sabi ni Mark.
Hala! Kayanin kaya ni Momshie Jolens ang five kids?