Mocha pinaglaruan, pinagtawanan ng netizens dahil sa 'kaso' ni De Lima | Bandera

Mocha pinaglaruan, pinagtawanan ng netizens dahil sa ‘kaso’ ni De Lima

Ronnie Carrasco III - January 02, 2020 - 12:25 AM

MINSAN nang nalagay sa alanganin—kundi man kahihiyan—ang nagmamagaling na si Mocha Uson for relocating the majestic Mount Mayon in Naga.

On Facebook these days, pinaglalaruang muli ang sense (or kawalan nito) of geography ni Mocha, isa sa ilang banned from entering the US bilang sangkot sa ‘di makatarungang pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima noong 2017.

Ang nasabing ban ay nakasaad sa sub-section C na nakapaloob sa pinirmahang 2020 budget ni US President Donald Trump authorizing US Secretary of State Mike Pompeo to stop entry (as well as freezing of assets) ng mga taong sangkot sa detention ng senadora, including President Duterte.

Back to Mocha. Accompanied by a photo in what looks like taken in a public inquiry, mapagkakamalan mong kuha ‘yon kung paanong ipinagtanggol niya ang kanyang sarili over the ban.

Kesyo hindi naman daw siya apektado kung banned siya sa tinaguriang land of milk and honey…“Dahil sa California ako pupunta.”

Bigla tuloy naming naalala ang matagal nang anecdote ng isang kabaro when he walked past Melanie

Marquez na nagmamadaling umalis from a commitment.

Reporter: (nagulat) Oy, Ineng (tawag kay Melanie), ‘di ba, papunta kang Thailand bukas?

Melanie: (medyo nakalayu-layo na ng hakbang): Hindi…sa Bangkok!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending