Lee Je Hoon balik-drama sa ‘Move to Heaven’ ng Netflix

KOREAN word of the week: “Mo ra go greo shut ji yo” – Sa Ingles ito’y “What did you say?” at sa Tagalog naman ay, “Anong sinabi mo?”

* * *

Bibida ang Korean heartthrob na si Lee Je Hoon sa upcoming Netflix drama na “Move to Heaven.”

Kinumpirma ng agency ni Je Hoon na gaganap si Je Hoon bilang Jo Sang Goo. Kwento ito ng isang ex-convict na wala nang pag-asa hanggang sa makilala ang isang bata na may savant syndrome.

Kapwa matututunan ng dalawa ang kahalagahan ng buhay at kamatayan, pamilya at komunikasyon. Ibinase ang drama sa essay ni Kim Sae Byul na “The Things We Leave Behind.”

Isang illegal martial arts fighter ang karakter ni Je Hoo, nang mamatay ang kanyang kalaban dahil sa kanyang kick, na naging dahilan kayat nakulong ito.

Director ng “Move to Heaven” si Kim Sung Ho, na siya ring nasa likod ng “How to Steal a Dog.” Isinulat naman ito ni Yoon Ji Ryun na siyang nasa likod ng Boys Over Flowers and Angel Eyes.

Read more...