Basura sa Rizal Park bumati sa Bagong Taon

TAMBAK ambak ng basura ang naiwan sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Rizal Park. Ang Enero rin ang Zero Waste Month ng bansa.

Ikinadismaya ito ng EcoWaste Coalition lalo at marami sa basurang iniwan ng mga nagdiwang ay single-use disposable plastics.

“The EcoWaste Coalition is gravely disappointed over the repeated trashing of Rizal Park by disrespectful revelers who left their discards behind instead of taking them home for proper recycling or disposal,” saad ni Jove Benosa, zero waste campaigner ng EcoWaste. “This shameless act by irresponsible park visitors shows an utter disregard for our environmental laws and for the health and well-being of others.”

Kinilala naman ng EcoWaste ang mga hakbang na ginawa ng National Parks Development Committee upang agad na malinis ang Rizal Park subalit pinaalalahanan din ang mga ito na dapat ay paghiwa-hiwalayin ang mga basura.

“The heaps of trash in Rizal Park, as well as in the streets of Metro Manila, following the boisterous revelry make a mockery of the Zero Waste Month that is observed every January.”

Iginiit ng EcoWaste ang kahalagahan na mabigyang-diin sa bawat isa na maging responsible sa pag-aalaga sa kalikasan.

Read more...