‘Hanggang kailan aasa si Claudine sa tulong ni Gretchen?’

 

CLAUDINE AT GRETCHEN BARRETTO

Sa pagpasok ng taong 2020 ay maraming nagwi-wish na sana’y sipagin na at magkaroon ng disiplina si Claudine Barretto para makabalik na siya sa pag-arte.

Nagkakaisa ang marami sa pagsasabing hindi puwede ang ganyan na maarte lang siya, kung anu-anong drama ang kanyang ginagawa, mas magandang mapakinabangan niya pa rin ang talentong meron siya.

Ilang taon na siyang hindi humaharap sa mga camera, napakalayo na ng itinakbo ng karera ng nakahiwalay niyang mister na si Raymart Santiago, samantalang si Claudine ay natutulog pa rin sa kahapon.

Masigla na sana ang pagtatapos ng taon dahil napabalitang babalik na siya sa pelikula, pero naudlot pa ‘yun, nabalewala ang planong pagtatambal nila ni Piolo Pascual.

May punto naman ang mga humihiling na sana’y magbalik-trabaho na ang aktres, hindi nga naman puwedeng habampanahon na lang siyang makikipag-away sa kapatid niyang si Marjorie, hindi siya kikita sa ganu’ng paraan kundi nagiging negatibo pa nga ang kanyang imahe.

Hindi rin puwedeng umasa na lang siya sa lahat ng panahon sa mga biyayang iniaabot ng kayang Ate Gretchen, isang araw ay magtatanong na rin ito kung bakit ayaw magtrabaho ng kanyang kapatid, manghihinawa rin sa kabibigay sa kanya ng bundle of joy ang kakampi niyang kapatid sa laban nila ni Marjorie.

Read more...