P7/litro taas presyo sa diesel pinangangambahan

 

POSIBLENG umanong umabot sa P7 kada litro ang itaas ng presyo ng diesel sa unang bahagi ng 2020.

Ayon kay House Deputy Minority leader Carlos Isagani Zarate sa pagpapatupad ng ikatlong yugto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion ay aabot sa P1.50 ang papatong na excise tax sa diesel.

Sa huling pagtataya ng mga kompanya ng langis ay tataas ng P.50 kada litro ng diesel sa huling araw ng 2019. Ang gasolina ay tataas naman ng P.85 kada litro at ang kerosene ay P.35/litro.

“Worse, considering the shift to diesel by tankers transporting oil products, an additional P5-P10 more, based on DOE computations, will be added to diesel prices per liter. This means, we will have a whopping P7 per liter increase in diesel alone,” ani Zarate.

Ang pagtaas ng diesel ay magpapataas din umano sa presyo ng mga bilihin.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi na bumababa ang presyo ng mga bilihin mula ng ipatupad ang TRAIN 1 noong 2018.

“The supposed lower inflation in 2019 being peddled by economic managers would be wiped out with the new price increases as well as higher demand for oil in the international market,” ani Gaite.

Nananawagan sina Zarate at Gaite sa gobyerno na ibasura na ang TRAIN law.

Read more...