Duterte sa pamunuan ng ABS-CBN: Ipagbili ninyo na ‘yan

RODRIGO DUTERTE

TAHASANG sinabihan ni Pangulong Duterte ang pamunuan ng ABS-CBN na ipagbili na ang network sa harap naman ng napipintong pagtatapos ng prangkisa nito sa Marso.

“Itong ABS mag-expire ang contract ninyo. Mag-renew kayo, ewan ko lang kung may mangyari sa inyo,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos bumisita sa mga biktima ng lindol sa M’lang, Cotobato.

“Ako pa sa iyo, ipagbili na ninyo ‘yan. Kasi ang Piliipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever,” dagdag ni Duterte.

Nakatakdang magtapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020.

Read more...