Charice Patatawarin Lang Ng Nanay Pag Dinispatsa Na Si Alyssa Quijano

Alyssa Quijano at Charice

Ilang buwan na ang namamagitang hindi pagkakaunawaan ng mga kampo nina Charice Pempengco at Aling Raquel pero hanggang ngayon ay wala pang kahit pahimakas man lang ng pagkakasundo sa kanilang pagitan.

Halos magkasunod lang na pinagpistahan ang kuwento nila nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista, pero magkaayos na ngayon ang aktres at ang pamilya nito, silang mag-ina ay magkalaban pa rin.

Ayon sa aming source ay talagang hindi magkakaroon ng resolusyon ang away ni Charice at ng kanyang ina hanggang nandiyan pa ang karelasyon niyang si Alyssa Quijano. Ito raw ang matinding tinututulan ng pamilya ng magaling na international singer.
Pero hindi ito ang tamang panahon para sumuko si Charice, matindi at malalim na ang pagmamahal niya sa kapwa niya singer, mukhang masarap mag-alaga at magmahal din si Alyssa, kaya mahihirapan ang kanyang pamilya na pabaklasin siya nang basta-basta sa dalaga.

Natural lang na mahalaga kay Charice ngayon ang kanyang pakikipagrelasyon, ngayon pa lang kasi siya nakakikilos nang normal dahil sa kanyang paglalantad, siguradong ninanamnam pa ngayon ng young singer ang pagmamahalan nila ni Alyssa.

Tinanong namin si Charice kung totoong may plano na silang magpakasal ng kanyang mahal sa Amerika, du’n kasi ay bunyagan na ang pagpapakasal ng mga magkakabaro, pero ngiti lang ang isinagot sa amin ng singer.

Parang gusto niyang sabihin na oo, pero siguradong makakatikim na naman siya ng kaliwa’t kanang hagupit mula sa ating mga kababayan, kaya kung meron man silang plano ay isisikreto na lang nila ‘yun.
Naalala tuloy naming ang huling sinabi ng kanyang Lola Tess, “Anak, anuman ang buhay na tinatahak mo ngayon, lagi mo lang tatandaan na nireregla ka pa rin buwan-buwan.”
Ganu’n!

Read more...