‘The Mall, The Merrier’ nina Vice at Anne tuloy ang paghataw sa takilya

VICE GANDA AT ANNE CURTIS

PATULOY na humahataw sa takilya at sa puso ng bawat Pinoy ang laugh-a-minute movie na “The Mall, The Merrier” ng patok na patok na tandem nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Hindi mabilang ang mga nanood ng feel good movie na ito sa mga sinehan hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas na rin.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Vice at Anne na unang nagkasama sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice sa milyun-milyong Pilipino na walang sawang sumusuporta sa kanya. Aniya pa, may suwerteng dala ang dinadalang sanggol ni Anne na itinuturing niyang “Showtime Baby.”

Patuloy pa ring dinadagsa ang “The Mall, The Merrier” sa mga sinehan ilang araw matapos ang higanteng opening nito sa takilya nitong Pasko.

Patunay ito na talagang laughter and fun kasama ang buong pamilya at madlang pipol are the best medicines na talagang kailangan ng bawat Pinoy tuwing Kapaskuhan.

Read more...