Naispatan namin sa taping ng Tonight With Boy Abunda ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco. Kaya tanong agad namin sa headwriter ng TWBA na si Mark ay kung totoong nagkabalikan ba ang mag-asawa? May kumalat kasing tsismis noon na nagkanya-kanya na raw ang showbiz couple.
Balik-tanong sa amin ni Mark, “Naghiwalay ba sila?” Sa pagkakaalam namin ay hindi naman. Naghiwalay sila ng TV network, oo. Hindi ba’t tumanggap ng show si Jason sa GMA 7? Habang si Melai naman ay patuloy na namamayagpag sa Kapamilya morning show nila Jolina Magdangal at Karla Estrada na Magandang Buhay.
Recently, nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary ang mag-asawa. Message ni Melai, “Thank you Papang @jasonfrancisco11 at naintindihan mu ang pangarap ko na magka asawa ng Kano, at itu na nga pinagbigyan mu ako, bilang bukas na ating 7 yrs wedding anniversary. Kahit hindi ikaw tu pinagbigyan mu ako mahal ko. Salamat sa pagtupad ng pangarap ko Ga!”
Samantala, ilang shows na rin ang itinapat ng kabilang network sa Magandang Buhay, pero hataw pa rin sa puso ng Pinoy TV audience ang MB kaya laging top sa ratings game.
Bongga ang line-up ng guests nila nitong Christmas week gaya nina Judy Ann Santos at Aga Muhlach.
Anyway, sa US nag-Pasko si Jolina kasama ang kanyang mister na si Mark Escueta at ang dalawa nilang anak. Nasa US kasi ang parents ni Mark. Abangan ang pagbabalik ni Jolens pati na rin nina Melai at Karla sa weeklong New Year’s episode nila.