Jason Ilang Beses Nang Nag-sorry Kay John Prats: Pero Ayaw Niya Talagang Sagutin Ang Mga Text Ko!

Jason Francisco at John Prats

 

Sinalba ng Wansapanataym ang career ni Jason Francisco dahil kung nagkataong hindi siya nadagdagan ng show ay handa na pala siyang magbabu sa showbiz.

Yes bossing Ervin, gusto na lang daw ng komedyanteng aktor na maging OFW, “In case lang ‘yun. Siyempre kailangan mong isipin, pag wala nang ibigay (project ang ABS-CBN), siyempre, maghahanap ka ng paraan para kumita.

Inaayos na raw ang US Visa ni Jason dahil plano na niyang mangibang bansa (Michigan) at doon magtrabaho kung saan naroon din ang tita niya, “Kasi, akala ko, wala na akong trabaho dahil sa nangyari (sa kanila ni John Prats). Siyempre, akala ko, kapag nakagawa ng ganun’g kasalanan, wala na rin,” pagtatapat ng aktor.

Inamin na ni Jason ang kasalanan niya kay John at ilang beses na rin siyang humingi ng tawad sa aktor-dancer pero hindi pa niya sure kung napatawad na siya nito. Ilang beses na niyang tinext si Pratty pero hindi raw siya nito sinasagot.
“Eh nabasa ko po na pinatawad na niya ako. Eh, siyempre, mas maganda po ‘yung personal,” katwiran pa ng aktor.

Sana raw ay magkita na sila para ma-explain niya ang lahat-lahat pero apat na buwan na raw niya itong halos araw-araw tine-text pero dedma lang si Pratty, “Kaya hayaan na lang muna natin,” say ni Jason.

At ngayong kasama siya sa Wansapanataym ay laking pasalamat ni Jason sa Dreamscape Production sa pamumuno ni Deo T. Endrinal dahil pinagkatiwalaan siyang mapasama sa apat na linggong episode na pagbibidahan nina Ella Cruz, Francis Magundayao at Bugoy Cariño.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang hosting stint nila ng girlfriend niyang si Melai Cantiveros sa Kris TV bilang guest co-hosts ni Kris Aquino na iniikot ngayon ang Israel kasama ang mga anak.

Read more...