2019 MMFF entry ni Coco pa-tribute sa mga pamana ni FPJ

Ang sipag ni Coco Martin na mag-promote ng 2019 MMFF movie niyang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”

Sulit na sulit naman ang kanyang effort dahil talagang isang box-office hit ang movie niya at saka dinudumog siya sa mga sinehang kanyang pinuntahan. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pakikipag-selfie kay Coco na pinagbigyan naman niyang lahat.

It also added na pawang magaganda ang review sa MMFF entry ni Coco.

“Pinanood namin ni Mama Liway, amg 3POL TROBOL: HULI KA BALBON. Panalo si Coco Martin, mapa-action sequences, lalong-lalo na pag Paloma siya. Panalo ang girly bonding nila ni Jennylyn Mercado. Mas wagas ang landian nila ni Sam Milby. Sa true, Paloma is so ripe and ready for her own solo starrer.

“Ang the best sa 3POL, hindi nakaka-insulto, hindii ka ginagawang bobo. Ang feeling ko sa pelikula ni direk Rodel, isa itong tribute sa mga pamana ni FPJ, na action hero na may tunay na malasakit, tagapagtanggol ng nga inaapi, ipinaglalaban ang tama at inililigtas angkanyang minamahal at siempre pa kay Dolphy, na ‘malinis’ ang mga patawa ar may respeto sa ibat-ibang sensitivities ng mga tao. Ang importante sa lahat, ang Mama Liway ko, tuwang-tuwa sa pinanood. May ngiti sa kanyang labi na kitang-kita ko habang kami ay pauwi.”

‘Yan ang review ng award-winning columnist naming friend na si Alwin Ignacio.

Read more...