Aga mapatumba kaya sina Anne at Vice saa 2019 MMFF; madlang pipol naumay na sa comedy?

MALAKI ang posibilidad na maungusan ng movie ni Aga Muhlach na “Miracle In Cell No. 7” ang entry nina Vice Ganda at Anne Curtis sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Marami ang naniniwala na baka maging top-grosser pa sa taunang festival ang entry ni Aga dahil sa magagandang review ng mga nakapanood na nito.

Aba, talagang non-stop ang mga papuri mula sa moviegoers at todo rin ang papuri nila sa kuwento nito pati na sa akting nga buong cast.

Walang tapon kumbaga mula simula hanggang ending ng movie at lahat ng artistang kasama sa movie ay winner na winner ang acting!

Isang certified blockbuster ang Korean version ng “Miracle In Cell No. 7” mula sa Viva Films. Naniniwala kaming naging curious ang publiko sa Pinoy version nito kaya pinipilahan sa mga sinehan. Kahit nga ‘yung mga nakapanood na ng original version nito ay naging interesado mapanood ito, huh!

Tila nagising na ang local moviegoers. Parang naumay na sila sa mga putahe na inihahain sa kanila ng ilang producers tuwing Pasko kaya mas gusto nilang tumikim ng bago.

Eh, bagong mukha si Aga sa MMFF dahil matagal na ‘yung last movie niya sa festival kaya na-miss siya ng publiko na mapanood na nagdadrama sa isang filmfest entry.

Kaya bilang pasasalamat sa mga manonood, naglibot si Aga sa mga sinehan after Christmas Day kasama ang ilang co-stars niya sa pelikula.

Sa lakas sa takilya ng “Miracle In Cell No. 7” sabi nga ng isang magaling na kolumnista, “It’s about time!” Ibig niyang sabihin, ito na ang tamang panahon para makatikim ng mga dekalidad na pelikula na may sense.

Bukod diyan, trending pa rin hanggang ngayon ang hashtag na #MiraceInCellNo7 sa Twitter, huh!

 

Read more...