‘The Mall, The Merrier’ ni Vice sa MMFF naka-P100M na

UMABOT na sa P100 million mark ang entry nina Vice Ganda at Anne Curtis sa 2019 MMFF na “The Mall, The Merrier”.

Ito ang ibinandera ng Unkabogable Star sa episode kahapon ng It’s Showtime sa ABS-CBN. Aniya, “100 million thank yous!” kasabay ng pagbati sa kanyang co-star at co-host sa Showtime na si Anne na kasalukuyang nasa Australia ngayon matapos mag-file ng maternity leave sa kanilang programa.

“Sa isang buong taon wala tayong ginawa sa buong taon kundi magtrabaho. Number 1 ang masaya. Dun tayo. Ang The Mall, The Merrier feel good movie,” mensahe pa ni Vice.
Aniya, nang dahil sa bagyong Ursula ilang sinehan sa Visayas at Mindanao ang hindi nagbukas noong Pasko kaya hindi naipalabas ang lahat ng MMFF entries, “Ngayon pa lang magbubukas sa Visayas dahil sa bagyo.”

Pero may request si Vice sa lahat ng manonood sa kanilang pelikula, “Uy, pag nagdrama ako, huwag naman kayong umiyak. Pinaghirapan ko yun, ah.” Dugtong pa niya sa lahat ng mga fans ni Ion Perez na kasama rin sa movie, “Sa mga naghahanap ng pictures ni Ion na may abs, panoorin niyo ang The Mall, The Merrier kasi nagkalat ang abs niya dun. Isang buong pelikula na hubad siya! Wala siyang damit, boxers lang siya!”

Read more...