Bakit todo ang pasalamat ni Sarah sa members ng LGBTQ?

Four years na ang nakalipas mula nang i-release ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang kantang “Tala”.

Pero this year lang ito talagang sumikat at nag-viral dance craze dahil na rin sa panggagaya sa fiance ni Matteo Guidicelli ng ilang netizens.

Ang G-Force ang tumulong sa singer-actress para mabuo ang dance moves para sa “Tala” at kasabay nito, ibinandera ng kampo ni Sarah na ilalabas na nila very soon ang ”Tala 2.0”.

Sa isang video na naka-post sa YouTube, nagpasalamat ang G-Force original choreographer na si Georcelle Dapat-Sy sa mga netizens na tumangkilik at nagpa-viral sa “Tala”. Sinabi rin niya sa video na, “Gawa tayo ng something new!”

“New version, level up version! Secret pa. Abangan niyo ‘yan!” sey naman ng G-Force dancer na si Gelai Aguzar.

Inalala naman ni Sarah sa nasabing video ang lumang dance studio na ginamit nila noon habang pinag-iisipan at binubuo ang dance steps ng “Tala.” “Sa LGBT community, talagang tinangkilik nila itong song na ’to pati ’yung choreography,” pahayag ni Sarah.

Nag-thank you rin ang dalaga sa kanyang sikat na impersonator na si Bench Hipolito na gumagamit sa “Tala” dance craze sa kanyang mga gigs. “At si Bench! Bench Hipolito na lagi niyang pine-perform ito sa O Bar. Thank you Bench,” sey pa ng Popstar Royalty.

Read more...