IKINALUNGKOT ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang mga balitang tinanggal agad sa ilang sinehan ang entry nilang “Culion” sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Nakarating sa kapatid ni Anne Curtis ang ilang posts ng netizens tungkol sa pag-pullout ng movie nila nina Iza Calzado at Meryll Soriano.
Sa Facebook post ng isang Madam Rosa Saima Estopada (Rosa Saima), sinabi nitong wala na sa pinuntahan nilang sinehan ang “Culion”. “May bumili ng ticket thru online, pero pagdating sa sinehan, hindi na ipapalabas yong movie. Bat ganun?
“Ano na, #MMFF2019 @mmffofficial , sana naman may set of rules kayo pagdating sa ganitong issues. Hindi nila deserve mabalewala efforts nila, CULION,WRITE ABOUT LOVE, MINDANAO,” dagdag pa ng netizen. Sinagot naman ito ni Jasmine ng, “Kay lungkot naman nito.”
“Sad,” naman ang reply ng Kapuso actress sa mensahe ni @keannekylleee na, “Grave nakaka defrost naman kau kcc baket nyo gitanggal ang Culion sa sinehan sayang plano ko.”
Ito naman ang ipinost ng isa pang netizen (@senyoritamyx) tungkol sa pelikula nina Jasmine, “Ugh, Festival Mall and Commercenter pulled out Culion. Mukhang perstaym ko makakagamit ng Director’s Club ng SM for the love of #Culion. Pero wow, bakit puro sa DC o VIP cinemas lang #Culion at #Mindanao ? Pano kikita bes?!”
Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya ang Kapamilya comedienne na si Pokwang sa pagkakatanggal ng ilang MMFF entry sa mga sinehan dalawang araw lang matapos magbukas ang taunang filmfest last Dec. 25.
“Nakakalungkot naman ang asal ng karamihan ng sinehan sa Pinas!! wag naman tayo puro sa pera lang kasi di naman natin madadala sa hukay yan! Tao po… MMDA Head Office magkaroon sana kayo ng dialogue with mga sinehan or agreement na sana yung mga pelikulang kagaya ng Culion at Mindanao ay bigyang prioridad din at wag alisin agad sa sinehan para lang mas kumita kayo!
“Wag nyong alisin at burahin sa isipan ng henerasyon ngayon ang kwento ng ating lahi! History yan ika nga ano ba kayo??? Hindi ako nagpapaka matalino or nagpapanggap na honor student pero kasi nakakaawa naman din mga ganitong pelikula na pinaghirapan din naman at ginastusan ng mga producers na maliliit ika nga.
“Kahit tig isang sinehan lang sana sa bawat mall nation wide, sana next time ang hindi mag participate na sinehan ay wag din lagyan ng mga malalakas na movie! yung mga mall lang na hindi swapang ang lagyan haahhaa sana pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula tuwing festival, once a year lang ito hoy ano ba!! konting sakripisyo naman para sa kwento ng bayan hindi ng inyong kaban!!” mahabang litanya ni Pokwang na kasali naman sa entry ni Vic Sotto na “Mission Unstapabol”.