NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Iloilo kamakalawa ng gabi (Huwebes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:19 ng gabi.
Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa silangan ng San Enrique at may lalim na 12 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa San Enrique, Passi City at Dingle, Iloilo; Tapaz, Capiz; Bago City, Negros Occidental.
Intensity III naman sa Iloilo City; La Carlota City and Bacolod City, Negros Occidental; Bugasong at Barbaza, Antique; at Nueva Valencia, Guimaras.
Intensity II naman sa President Roxas, Capiz; at Masbate City.
Naramdaman din ang Intensity I sa San Jose, Antique.
Walang inaasahang pinsala ang lindol na ito.
MOST READ
LATEST STORIES