Mga abusadong employer at ahensya dapat managot

ISANG hindi makatarungang paglabag sa kontrata at pagmamaltrato ng isang employer sa kanyang employee ang inilapit sa Bantay OCW ng isang OFW sa Romania si Jeanet Relucio.

Ayon sa kanya, hindi nasunod ang napagkasunduang kontrata. Kulang at hindi sapat ang pinapasahod sa kanya upang ipangtustos sa pamilya niya sa Pilipinas. Pinagtatrabaho siyang higit pa sa oras na napagkasunduan.

Bukod pa rito ay ang hindi maayos na pagtrato sa kanyang kanyang employer. Madalas pa ay abusado ito at baluktot ang mga dahilan kung kaya’t lagi na lamang siyang napag-iinitan.

Nagsampa ng reklamo si Janet sa tanggapan ng National Labor Relations Commission. Bagamat matagal ang proseso, dumating naman noong Hunyo 4, 2011 ang desisyon ng korte na
nagsasabing makakatanggap siya ng kaukulang kabayaran mula sa paglabag ng kontrata ng kaniyang employer. Ang $200 ay naibigay rin sa kanya bilang quick claim mula sa ahensya. Ngunit hindina niya natanggap ang mgakakulangan pa sa kanyang claim.

Nai-report namin agad ito sa NLRC at agad namansilang tumugon at nag big ay aksyon sa problema. Ma-tapos ang ilang hearing ay makakatanggap na rin ang biktima nang nararapat para sa kanya sa Disyembre 2013.

Sa mga employer at ahensya, responsibilidad n’yo po ang tumupad sana pagkasunduan ng inyong employee. At para naman sa may mga kaso na katulad nito ay huwag po kayongmatakot ipaglaban ang inyong mga karapatan lalong lalo na kung nasapanig naman kayo ng tama. Ang mga abusadong tao ay dapat lamang managot sa mga maling ginagawa nila.

Ang tanggapan pongBantay OCW ay laging bukas sa mga nangangailangan.

Isang ina ang handang bawiin
ang anak

ISANG email ang natanggap ng Bantay OCW, Si Myrna isang domestic helper sa Milan, Italy. Nakapangasawa ng kapwa Pilipino sa Korea si Myrna at duon rin niya isinilang ang kanilang anak na si Ken, walang legal napapele sang pagtratrabaho nilang mag-asawa sa Korea kaya’t napagdesisyunan nilang iuwi sa Pilipina sang kanilang anak at tumira angbata sa pamilyang kanya ngasawa na si Ruben. Taong 2007 nang nahuli si Ruben bilang isang TNT at napauwi ng bansa.

Patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran ni Myrna sa Korea hanggang sa isang kaibigan ang nagbigay sa kanyang ideya na mag-apply patungong Italya. Lungkot at hirap ang tiniis ni Myra sa kaniyang mga unang buwan sa Italya ngunit isang balitaang kanyang ikinatuwa. Makakalis na ngbansa ang kanyang asawa patungong Canada at ayon nga kay Ruben kapag maayos na ang kanyang trabaho sa Canada ay maaaring umuwi na ng bansa si Myrna upang mag-alaga na lamang sa kanilang anak. Ngunit ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ay nagkaroon nang babae si Ruben sa Canada na naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa.

Umuwi ng Pilipinas si Myrna noong April 22, 2013 upang isaayos ang papeles ng kanyang anak upangmaisama niya ito pabalik sa Italya. Labis ang pasasalamat ni Myra sapagkat lumabas na ang visa ng petisyon ng kanyang anak subalit nitong buwan ng June nang siya ay bumalik sa Italy, kinuha umano ng pamilyang kanyang asawa ang kanyang anak sa labas ng paaralan na kanyang pinapasukan.

Ito ay itinakas pabalik ng Pangasinan. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi niyamakontak at makuha ang anak sa pamilyang kanyang asawa. Ngayong buwan ay uuwi si Myra sa Pilipinas upang bawiin ang kanyang anak at isama napabalik ng Italya. Siya anya ay magtutungo sa tanggapang ng Bantay OCW upang personal naidulog ang kanyang problema.

 

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer dzIQ 990 AM,
Lunes – Biyernes, 11:00 am-12:00 nn, 12:30-2:00pm audio/video live streaming: www.dziq.am.
Mapapanood sa PTV 4 tuwing Martes 8:00-9:00pm.
Helplines: 0927.649.9870 / 0920.968.4700
E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Read more...