Kim Chiu namigay ng regalo sa mga kabataan sa Pampanga

KIM CHIU

Pinasaya ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang mga bata sa isang lugar sa Pampanga bilang bahagi pa rin ng pagse-celebrate niya ng Pasko.

Ayon sa dalaga, ang ginastos niya sa nasabing gift-giving program ay galing sa pinagbentahan niya ng kanyang pre-loved clothes sa World Trade Bazaar.

Nagpasalamat si Kim sa kanyang pamilya at mga kaibigan na tumulong sa kanya na maisakatuparan ang kanyang charity event sa Floridablanca Pampanga.

“Merry Christmas indeed!!! Thank you to everyone who bought my pre loved clothes at the world trade bazaar last week and thank you to my team @kamchiu @haidzfernandez @khosaako @iambazooka for being so reliable as always as in ALWAYS talaga thank you for making it easy for me salamat sa tulong nyo and to @twinklechiu @clint.lanuza #may #khosaangels for helping out today!!!

“Thank you for making this day possible. Merry Christmas everyone!!!! Happy birthday papa Jesus!!!!” mensahe ni Kim sa kanyang Instagram followers.

Ilang litrato rin ang ipinost ng kanyang mga fans sa social media na kuha sa Macawat Elementary School. Dito makikita si Kim na nakikipag-bonding sa mga bata habang isinasagawa ang kanyang pa-Christmas party.

Isa sa mga supporter ng Kapamilya star (ronnalyn19kx_updates) ang nag-post ng ilang litrato mula sa nasabing event. Aniya sa caption, “Sharing her (Kim) Blessings to others. Kim Chiu Gives Back Bless ur good heart Kimmy. Macawat Elementary School in Floridablanca Pampanga.”

Read more...