Dating aktres arestado sa ilegal na droga sa Pasko

 

IMBES na ipagdiwang ang Pasko ng masaya, inaresto ang dating sexy actress na si Jenny Roa o Jennifer Kiilsgaard sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City noong Miyerkulew, ayon sa pulisya.

Naaresto si Roa kasama si Norman Viña sa Brgy. 42 Zone 6, Pasay City, ganap na alas-9:50 ng gabi, dagdag ng pulisya.

Narekober ng pulisya ang apat na sachet ng shabu  na tumitimbang ng apat na gramo na nagkakahalaga ng P31,000.

Kasalukuyang nakakulong sina Roa at Viña sa Pasay City police stationDrug Enforcement Unit custodial facility. 

Read more...