Smokey sa The Gift: Isa sa pinakamagandang regalo ngayong Pasko


BEST Christmas gift ever! Ganyan kung ilarawan ng aktor na si Smokey Manalo ang guesting niya sa Kapuso primetime series na The Gift starring Alden Richards.

Pulis at kapatid ni Sophie Albert ang role ni Smokey sa The Gift na naging kaibigan ni Sep (Alden) sa kuwento.

“Isa sa pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong pasko ang mapabilang sa guests ng #thegift,” tweet ng aktor.

“Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin. Merry Christmas!” dagdag pa niya.

Bago ito, nag-post din si Smokey sa Twitter ng ilang litrato na kuha sa taping ng serye. Aniya sa caption, “Napansin ko lang… anak ko yang nasa gitna niyo… diba pare?… pero bakit parang ginamit mo siya para magmukhang family picture ninyo ng kapatid ko?!??”

Read more...