SB19 may Pamaskong handog sa A’TINs; pumirma na sa Sony

SB19: Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin

ISANG magandang Christmas gift para sa sikat na sikat na ngayong SB19 ang natanggap ng grupo bago matapos ang 2019.

Isa na namang maituturing na milestone sa kanilang career ang hatid nilang good news para sa kanilang fans. Finally, pumirma na sila ng recording contract sa Sony Music.

Kinumpirma na ng Sony Music sa pamamagitan ng kanilang official Instagram page na kapamilya na nila ang SB19 na binubuo nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin.
Nag-post ang Sony ng litrato ng grupo sa IG kasama ang kanilang General Manager na si Roslyn Pineda.

At bilang Christmas gift sa kanilang sandamakmak na fans, ang A’TINs, ni-release na rin ng SB19 sa iba’y ibang digital streaming platforms ang new single nilang “Alab” (Burning).

Opisyal na ni-launch ang grupo noong October, 2018 pero nito lang nagdaang August sila iniharap ng kanilang management (ShowBT Philippines) sa entertainment media.

Ilang linggo lang ang lumipas, nakapasok agad sila sa Billboard Next Big Sound list. Ang kanilang biggest hit na “Go Up” ay talagang umariba nang bonggang-bongga sa iba’t ibang radio and television charts sa bansa.

Read more...