Ayon sa 76 porsyento mas mabuti ang magbigay ng regalo ngayong Pasko kaysa tumanggap (23 porsyento).
Bahagya itong mas mataas ito sa 74 porsyento na nagsabi na mas mabuting magbigay noong Pasko ng 2018 kung saan 22 porsyento naman ang nagsabi na mas mabuti ang tumanggap.
Umaasa rin ang mas maraming Pinoy na mas magiging masaya ang Pasko ngayong taon (79 porsyento) na mas mataas ng dalawang puntos kumpara sa Pasko noong 2018. Ang mga nagsabi naman ng hindi ay 2 porsyento ngayong taon at 5 porsyento noong nakaraang taon.
Ginawa ang survey noong Disyembre 13-156 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.