Vilma, Yorme Isko lalabanan ba sina Sara at Pacquiao sa Eleksyon 2022? | Bandera

Vilma, Yorme Isko lalabanan ba sina Sara at Pacquiao sa Eleksyon 2022?

Julie Bonifacio - December 23, 2019 - 12:20 AM

LUMIPAD pa papuntang Amerika si Davao City Mayor Sara Duterte para um-attend sa kasal ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita na ginanap sa Pelican Hill, California last Dec.15.

Kabilang kasi si Mayor Sara sa mga ninang sa wedding at talagang naglaan siya ng oras para rito. Malapit na kaibigan kasi si Mayor Sara ng parents ni Jolo na sina Bacoor City Mayor Lani Mercado at Sen. Bong Revilla.

Kabilang din sa principal sponsors sa Jolo-Angelica nuptial si Sen. Manny Pacquiao kaya lang hindi ito nakarating sa wedding.

Kasabay din kasi halos ng kasalan ang bonggang birthday celebration ni Pacquiao na ginanap sa isang five star hotel sa Makati City na dinaluhan ng mga malalapit niyang kaibigan in and out of showbiz.

We just don’t know kung aware si Jolo sa bali-balitang sina Mayor Sara at Sen. Pacquiao daw ang mahigpit na maglalaban for Presidential race next elections.

Wala na raw gustong lumaban pa kina Mayor Sara at Sen. Manny na parehong malakas. Ang tanong na nga lang ng iba ay kung sino ang ie-endorse ni Presiden Rodrigo Duterte sa 2022.

Nagsalita na raw kasi ang Pangulo na ayaw niyang tumakbong Presidente si Mayor Sara habang si Sen. Pacquiao ay kilalang malapit kay Digong.

Ayon naman sa ilang showbiz insiders, meron silang kilala na pwedeng talunin sina Sara at Manny. At ‘yan ay walang iba kundi ang Star for all Seasons at Lipa City Congresswoman na si Vilma Santos.

The thing is, parang ayaw at wala naman sa plano ni Congw. Vilma ang tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas.

May nagsabi rin sa amin na baka hindi na rin daw kayanin ng kanyang katawan kapag naging Presidente si Cong. Vi.

According to a source, nagiging masasakitin na raw ang actress-politician with her age now.

Kapag hindi umubra si Congw. Vilma for Presidency sa 2022 elections, may isa pang high-profile politician ang naisip nila na pwedeng “kumarera” ulit para maging next President ng Pilipinas at yan ay walang iba kundi si Manila Yorme Isko Moreno na talagang hinahangaan ngayon ng lahat dahil sa ginagawa niyang pagbabago sa Maynila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh, well, matagal pa naman ang eleksyon. Marami pa ang pwedeng mangyari.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending