DJ Chacha mas maarteng magbuntis kesa kay Ethel Booba

NAALIW kami sa guesting nina Ethel Booba at DJ Chacha sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay kamakailan. Parehong buntis ngayon sina Ethel at DJ Chacha.

Sa pagkakaalam namin, first time lang ni Ethel magbuntis habang second time naman ito para kay DJ Chacha.

Inamin ni Chacha sa Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros na naging very emotional siya habang ipinagbubuntis ang baby nila ng mister niyang si Mike Rivera. Kung noon daw ay balewala lang kapag iniiwan siya mag-isa ng hubby niya ngayon ay nagiging emosyonal siya.

“Oo, kasi ngayon umiiyak na ako kahit sa maliit na bagay. May isang maliit na bagay kami na pinag-awayan. Tapos parang hindi niya agad ako pinansin (emosyonal na ako). Hindi ako ganu’n. Sobrang strong ko kaya? “Deadma ako kahit hindi kami magpansinan kapag nag-aaway kami before. Ngayon, feeling ko aping-api ako. Gusto ko kapag tinawag ko siya, pansinin niya agad ako. Ang arte ko ‘noh? Nakakairita,” lahad ni DJ Chacha.

Say naman ni Ethel, “Ako, hindi (emosyonal). Hindi ako ganoon. Sabi nga ano, baka pagkapanganak ko na siguro. Post-partum? Baka ganoon.”

Inayunan naman ng guest nila na si Dr. Judy Ann Lina ang sinabi ni DJ Chacha na kapag pregnant ay very emotional talaga at feeling aping-api ang babae.

Read more...