HOROSCOPE August 2, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Magandang kapalarang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sa iyong puso. Pasalamatan ang mga taong bumabati sa iyo, sa ganyang paraan ay mas maraming suwerte pa ang kusang darating.  Mapalad ang 2, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at orange  ang buenas.            
Aries – (Marso 21-April 19)— Uso ang mga mangungutang ngayon. Hindi ka mauutangan kung lagi kang nagpapakumbaba. Panatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, imbes na ipautang ang pera ilaan sa kinabusakan ng pamilya. Mapalad ang 3, 9, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Yellow at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Kahit naging magastos ang nagdaang araw, sa papasok ng buwan ng Agosto ay pagkakataon mo nang makapag-savings. Sa pag-ibig, maaalala mong bigla ang iyong first love dahil naaalala ka rin niya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Wag babagal-bagal upang hindi maubusan ng suwerte. Oo nauubos din ang suwerte akala mo? Sa pagmamadali, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ipagkaloob ang hinihingi ng kasuyo bago pa siya magtampo. Mapalad ang 9, 14, 23, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Narahayana-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka dapat tamarin! Habang patuloy na nagsisipag, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, siglahan pang lalo ang pakikipagrelasyon sa isang Scorpio upang hindi ka nya iwanan. Mapalad ang 4, 7, 21, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Siravayana-Om.” Purple at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Marami kang gustong gawin, pero wala ka pang nasisimulan! Likas ka kasing tamad. Panahon na upang maging masipag. Ituloy ang binabalak na negosyo. Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyo sa kalakal may kaugnayan pagkain. Mapalad ang 7, 10, 17, 28, 36, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Apyahana-Dosya-Om.” Green at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Panahon na upang maglinis ng mga abubot! Ibenta ang lahat ng mga bagay na hindi na kailangan. Sa ganyang paraan nagkapera ka na umaliwas pa ang inyong kapaligiran. Sa pag-ibig, katulungin ang kasuyo sa paglilinis. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” White at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Magtipid! Hindi ka dapat mahirati sa luho at masarap na buhay. Dapat ngayon palang pinaghahandaan mo na ang kapasukuhan. Wag mong isiping malayo pa ang pasko darating at darating iyan. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Neh-Venit.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mas madaling umuunlad ang isang Scorpio kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Laging isaisip ang kinabukasan ng pamilya upang yumaman. Sa pag-ibig, upang umunlad humanap ng kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om-Garuda.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Pumapangit talaga ang tao at tumanda pa, pero puwede ka namang magpaganda. Sa pagpapaganda, mas madali mong maakita ang magandang kapalaran.  Sa pag-ibig kapag napansin ng kasuyo na nagpapaganda ka, mauuto mo na naman siya. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sino ba ang makikinabang sa mga paghihirap na ginagawa mo sa ngayon? Matutong mag-relaks at paligayahin ang sarili. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mamasyal sa bukid  doon kayo mag-bonding. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Red at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ngayong election period, wag umasa sa pangako ng mga nasa barangay, mapu-frustrate ka lang! Ikaw ang dapat na mamuno. Panahon na upang ikaw ay kumandidato. Sa pag-iibig, kapag nalaman ng kasuyo na tatakbo ka, siya ang unang unang matutuwa. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Sutra-Om.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kahit gipit sa buhay, hindi dapat sumuong sa mga gawaing iligal at imoral. Panatilihin ang pagiging matuwid. Darating ang araw pagpapalain ka rin ni Lord. Sa pag-ibig, iwasan ang mga imoral na relasyon upang hindi ka mapapahamak. Mapalad ang 4, 16, 26, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Magenta at orange ang buenas.

Read more...