Meralco Bolts, TNT KaTropa do-or-die sa huling Finals berth

Laro Ngayong Lunes
(Ynares Center)
7 p.m. Meralco vs TNT
(Game 5, best-of-5 semifinals)

MAUWI ang huling Finals berth ang hangad ng Meralco Bolts at TNT KaTropa sa kanilang 2019  PBA Governors’ Cup do-or-die semifinals game ngayong Lunes ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.
Nakahirit ang Meralco ng sudden-death Game 5 sa kanilang semis series kontra TNT matapos itala ang 95-83 pagwawagi noong Sabado ng gabi para itabla ang kanilang serye sa tig-dalawang panalo.
At asam ng Bolts na maipagpatuloy ang nakuhang momentum para makaharap sa ikatlong pagkakataon sa Governors’ Cup finals ang Barangay Ginebra Gin Kings, na tumalo sa kanila sa kanilang pangkampeonatong serye noong 2016 at 2017.
Aasahan ni Meralco coach Norman Black sina Allen Durham, Baser Amer, Raymond Almazan, Chris Newsome at Allein Maliksi para makabalik ang koponan sa Finals.
Sa panig ni TNT mentor Bong Ravena, sasandalan niya sina KJ McDaniels, Jayson Castro, Troy Rosario, Bobby Ray Parks and Roger Pogoy para makapasok muli sa kampeonato ng kumperensiya.

Read more...