Horoscope, Dec. 23, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Ituloy ang anumang naiisip na negosyo pagkakataon mo na upang umunlad at lalo pang yumaman. Ang mga taong isinilang sa petsang 23 ay talaga namang yumayaman, higit lalo kung ang iyong mapapangasawa ay isinilang sa petsang 5, 14 at 23. Markahan ang 5, 17, 26, 34, 40 at 45. Green at purple ang buenas. Swerte ang initial na G. at V.
Aries – (Marso 21-April 19)– Isinilang ka upang umunlad at sumagana, kaya naman walang magagawa ang mga taong lihim na nagnanais kang pabagsakin at naiingit sa iyo. Sa lovelife tuloy ang isang masarap at nakahahalinang romansa. Markahan ang 3, 15, 18, 27, 33, at 42. Red at orange ang buenas. Swerte ang initial na R. at A.
Taurus – (April 20-May 20)–Sa pinansyal, mabibingit ka na naman sa mga pagkakautang na hindi na kayang bayaran. Sa lovelife at pinansyal, isang malapit na kaibigang Libra ang maaari mong malapitan. Markahan ang 6, 12, 21, 33, 39 at 45. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na T. at S.
Gemini – (May 21-June 21)–Ito ang araw na dapat mong pahalagahan ang personal mong buhay at kaligayahan. Magbabagong taon na sa susunod na buwan, kailangang maging maligaya ka naman. Sa lovelife, sabihin sa kasuyo ang iyong Christmas wish at ito ay tiyak na ipagkakalob niya sa iyo. Markahan ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Silver at pink ang buenas. Swerte ang initial na M. at W.
Cancer – (June 22- July 22)– Sa pinansyal, kapag masyado mahina ang iyong loob lalo ka lang mag-hihirap. Sa lovelife sundin ang mungkahi ng kasuyong Capricorn sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kayong uunlad at liligaya. Markahan ang 5, 17, 22, 28, 34 at 49. Green at orange ang buenas. Swerte ang initial na N. at T.
Leo – (July 23 – August 22)–Hindi nasusukat sa maluhong pamumuhay, ang sinasabi nilang mayaman! Magtipid ka, yan ang tiyak na landa upang umalwan ang buhay at lumigaya ang pamilya. Sa lovelife, tama ang mungkahi ng kasuyo, wag kang masyadong gumastos ngayong Holiday Season. Markahan ang 1, 19, 28, 34, 40 at 45. Purple at magenta ang buenas. Swerte ang initial na B. at P.
Virgo – (August 23 – September 22)– Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife ig tuloy ang lihim na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Markahan ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Silver at white ang buenas. Swerte ang initial na R. at S.
Libra – (September 23-October 23)– Ang pagkilos ang daan upang umunlad ang kabuhayan. Gawin mo na ngayon ang mga bagay na alam mong kikita ka ng malaking halaga. Sa lovelife, hikayatin ang kasuyo na magpayaman upang mas madaling umasenso ang inyong pamilya. Markahan ang 4, 15, 24, 29, 39 at 49. Sky blue at white ang buenas. Swerte ang initial na G. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21)–Iwasang magyabang upang hindi ka kaiingitan. Sa pinansyal, simpleng pagdiriwang na lang ng pasko ang gawin, upang makatipid sa budget. Sa lovelife, naiinip ang kasuyo, yayain manood ng sine. Markahan ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Orange at maroon ang buenas. Swerte ang initial na N. at R.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-– Upang umansenso hanggang sa yumaman, dagdagan pa ang pagsisipag. Sa lovelife, kahit umunlad ka ng umunlad, wag namang kalilimutan ang kasuyong Aries. Markahan ang 3, 18, 33, 34, 45, at 49. Blue at yellow ang buenas. Swerte ang initial na H. at J.
Capricorn – (December 22 – January 19)–Muling babalik ang dating suwerte at tagumpay, basta ang mahalaga kumilos kang lagi. Kung nasa bahay ka naman, panatiliing busy ang sarili. Sa pag-ibig, may magandang bagay kang matatanggap mula sa kasuyong Taurus. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 31, at 43. Gold at beige ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.
Aquarius – (January 20 – February 18)–Wag mag-desisyon ng nakasalik sa damdamin, mabibigo ka lang! Sikaping magpasya gamit ang praktikalidad upang tumabo ng malaking halaga. Sa lovelife, i-orient ang kasuyo sa mga bagay na pagkakaperahan, upang mas madali kayong yumaman. Markahan ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Orange at lilac ang buenas. Swerte ang initial na D. at M.
Pisces – (February 19 – March 20)–Sa Paskong darating ituon ang isip sa pagtitipid, upang hindi masyadong masaktan ang bulsa. Alalahanin mong bukod sa Pasko, magastos din ang Bagong Taon at dapat ding pag laanan ang Araw ng mga Puso. Markahan ang 7, 13, 17, 31, 40 at 48. Black at red ang buenas. Swerte ang initial na X. at Y.

Read more...