SA launching ng bagong digital series ng iWant, ang “Manilennials” na napapanood na ngayon ay dumalo si Kathryn Bernardo bilang suporta sa BFF niyang si Ria Atayde na isa sa mga bida sa serye.
Napag-alaman namin na kapag araw pala ng Pasko at Bagong Taon ay pamilya niya ang kasama ni Kathryn at hindi ang boyfriend niyang si Daniel Padilla.
Kinumusta namin ang aktres kung ano ang plano niya sa Pasko, “Parang dito lang po kasi ang dami naming alis (travels) recently so baka ano (Pilipinas lang) pero pinipilit ko pa rin si mama (Mhin Bernardo) kung saan pero wala pang plans.”
Tinanong din namin kung saan siya magdiriwang ng Bagong Taon, “Wala pa rin po kasi may trabaho po ako hanggang 23 (December), so kung magpaplano wala pa, medyo last minute. Baka mag-dagat lang dito.”
“Pwede rin po sanang mag-Japan, kung saan man. Pero parang ayaw ni mama umalis po, eh,” sagot ng aktres.
Hindi ba sila magkasama ni DJ sa Pasko at New Year? “Siguro ‘yung after na lang po kasi siya may ginagawang movie. Usually pag Christmas talaga sa family kami pati New Year, family time po.”