Vice ginulat ang mga tambay, driver at estudyante sa kalye

VICE GANDA AT ION PEREZ

Vice Ganda and boyfriend Ion Perez did a random act of kindness recently.

Nasa bahay ang magdyowa at nagmemeryenda nang makita ni Vice ang ilang kahon na nakalagay malapit sa hagdan ng house niya. When he asked his staff kung anu-ano ang mga iyon, sinabi ng staff na mga gatas mula sa ini-endorse niyang milk.

“Alam mo hindi naman natin mauubos ‘yan, ipamigay na lang natin ‘yan,” say ni Vice.

“Alam mo, meron din ako sa itaas mga Vice cologne, ibaba mo nga ‘yon. Dadalhin ko ‘yon. Ilagay ninyo sa sasakyan tapos sa kalsada pauwi, ipamimigay ko na lang,” dagdag pa niya.

Iyon nga ang ginawa ni Vice Ganda, ipinamigay sa mga tricycle drivers, mga ina, mga estudyante na nakita niya sa kalye. Na-surprise talaga ang madlang pipol upon seeing the bida of “The Mall, The Merrier.”

Read more...