Lyca Gairanod dalaga na, marami nang manliligaw

LYCA GAIRANOD

Dalagang-dalaga na ang The Voice Kids season 1 grand winner na si Lyca Gairanod. Ngayong 15 na ang bagets, talagang very obvious ang kanyang transformation.

May mga manliligaw na rin ngayon ang Kapamilya singer pero wala pa sa priorities niya ang magka-boyfriend dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career at pag-aaral.

“Mas inuuna po ko po ang pag-aaral ko. Study first po talaga ako,” ang sabi ni Lyca sa isang panayam.

“Meron na po (suitors). Pero ang sinasabi ko po sa kanila, study po muna ako. ‘Siyempre po ‘yung ano ko po talagang makapagtapos po muna ng pag-aaral. Kaya hindi ko po priority,” lahad ng dalagita.

“Crush ko dati? Siguro ‘yung nakasama namin sa Your Face Sounds Familiar, si Sam Shoaf. Dati crush ko po siya pero mas natutukan ko po ‘yung pag-aaral ko. Tsaka that time wala na rin naman po siya, umalis na po siya. Ganun. Kaya madali lang po talaga ako mawalan ng crush ganu’n,” sabi pa ni Lyca.

Read more...