Tinupad ng award-winning actor na si Aga Muhlach ang matagal nang pangarap ng isang dalaga – ang maging artista.
Naging special guest si Aga sa game show na Wowowin hosted by his good friend na si Willie Revillame. Nag-promote ang aktor sa nasabing Kapuso program ng entry niya sa 2019 Metro Manila Film Festival na “Miracle In Cell no. 7” showing on Dec. 25.
Sa Wowowin, nakilala ni Aga si Van, isa sa mga contestant sa “Willie of Fortune” na umaming gustung-gusto niyang mag-artista simula pa noong bata siya. At pagkatapos nga nitong magkuwento tungkol sa makulay at madrama niyang buhay habang umiiyak, kinontrata na siya ni Aga para maging bahagi ng gagawin niyang pelikula sa 2020.
Promise sa kanya ng aktor, “Alam mo kung mahilig ka mag-artista, ganito. Meron akong regalo sa’yo. May gagawin akong pelikula sa May, okay next year. Papatawag kita roon tapos any nice role, small role, papagawa ko sa’yo. Okay sa’yo ‘yun?”
Tuwang-tuwa siyempre si Van sa maagang Christmas gift sa kanya ni Aga, “Thank you po! Sobrang malaking opportunity po ‘yun, Sir Aga.”