Road signs sa trapiko | Bandera

Road signs sa trapiko

Ira Panganiban |December 20,2019
facebook
share this

Road signs sa trapiko

Ira Panganiban - December 20, 2019 - 12:15 AM
  ANG dami na nating ginagawa para maayos ang masikip na daloy ng trapik sa bansa pero parang ang hirap nito gawin.
Ang totoong pakay kasi dapat dito ay disiplina at maayos na pagsunod sa batas trapiko.
Pero papaano natin maipapatupad ang batas trapiko at maiuugat ang disiplina kung wala ang mga “tools” para rito?
Paano malalaman ng driver kung anong “lane” siya dapat kung walang guhit sa kalsada?
Paano malalaman kung kailangan lumipat ng linya bago lumiko kung walang road sign na nagsasabi ng direksiyon?
Paano malalaman kung bawal kung hindi ito nakapaskel sa malaking karatula na kita ng lahat?
Sa malalaking bansa tulad ng Amerika, Britanya, Australia, Japan at maging South Korea, ang mga road signs ay malalaki at malinaw. Halos bawat 500 metro ay may karatula na nagsasabi kung ano ang dapat gawin ng sasakyan.
Ang road lanes ay malinaw at lahat ng linya ay maayos. Pati linya kung kakaliwa o kakanan ay nakalatag upang makita ng driver kung saan siya dadaan.
Hindi tulad sa bansa natin na madalas sa hindi ay walang guhit sa kalye kaya sala-salabat ang daloy ng sasakyan. Ang mga road signs at napakaliit o kaya ay nakatago at walang maayos na direksiyon.
Sabi sa akin ng barkada ko sa DPWH talagang tinitipid daw ito para mas malaki ang kickback mula sa mga kontratista. Wala naman daw silbi ito dahil hindi sinusunod.
Pero ang traffic lanes at signs ang isa sa mga “tools” ng traffic enforcer para manghuli ng pariwarang driver. Dahil kung malinaw ang linya, malaki ang karatula at maayos ang direksiyon, hindi magagawang tumanggi ng nagkamaling driver sa kasalanan niya.
Napatunayan na rin sa napakaraming pagaaral na ang mga signs at directions ay epektibo sa pagdisiplina sa ugali ng tao.
***
May suhestyon ka ba para ma-improve ang trapiko sa bansa? Mag-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending