USAP-usapan ngayon sa isang TV network ang ginawang pambabastos ng isang mamamahayag sa isang government official na bigla niyang isinalang sa isang ambush interview.
Alam kasi ng mga kasamahan niya sa industriya na may motibo si madam sa ginawa niyang biglaang interview sa opisyal na ang totoo naman niyang target ay siraan ang mataas na lider ng pamahalaan.
Sa pag-uusap ng ilang mga kasamahan sa TV network ay muling naungkat ang maluhong pamumuhay ni madam na isa palang frequent traveler.
Paggala daw sa abroad ang kanyang bisyo kasama ang kanyang mister na minsan niyang ini-appoint bilang editor noong panahon na si madam pa ang big boss sa newsroom ng isang malaking pahayagan.
Kilala rin ang ating bida na mouthpiece ng ilang oligarch na dati niyang financier nang itayo nila ang isang kunong samahan ng mga “crusading journalists”.
Pero sa totoo lang ay ginagamit ang grupong ito sa ilang-anti government operations sa tamang halaga.
Sa pagtatangka niyang isalang sa ambush interview ang isang mataas na opisyal ng gobyerno ay posible siyang maharap sa ilang mga kaso tulad ng anti-wiretapping law.
Iba pa ito sa sanction na posibleng niyang kaharapin sa nasabing TV network dahil sa totoo lang ay sa kanilang “online organization” ilalabas ang istorya na may pagbanat sa pamahalaan at hindi sa kanyang tv show.
Marami pa naman ang bilib sa ating bida dahil sa husay niyang investigative journalist pero lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging attack dog nito ng ilang mga tusong negosyante sa bansa.
Ang bida sa ating kwento ay si Miss M…as in Medusa.

MOST READ
LATEST STORIES