Yam Concepcion umamin: Nakaka-miss maging kabit!

YAM CONCEPCION AT ERICH GONZALES

MABAIT ang bagong karakter ni Yam Concepcion sa digital series na “Uncoupling” kasama si Joseph Marco na mapapanood simula ngayong araw sa iWant na idinirek ni Dwein Baltazar.

Pero aminado si Yam na nami-miss din niya ang pagiging “kabit” (Jade), ang pinasikat niyang karakter sa teleseryeng Halik kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby. Dito sa “Uncoupling” ibang-iba naman ang kanyang role bilang asawa ni Joseph na nagdesisyong hiwalayan na ang asawa nang madiskubre niyang may other woman ito.

Pakiusap ni Yam sa manonood, “Panoorin ninyo 3x a day para maraming views at magkaroon kami ng second.” Isang magaling na doktor ang karakter dito ni Yam habang professor naman si Joseph. Highschool pa lang ay magkarelasyon na sila hanggang sa magpakasal at magkaroon ng isang anak.

Sabi pa ni Yam, “Nakaka-miss ang maging mistress! Sobrang grabe yung investment ‘yung character ko kay Jade, so iba siya. Iba rin itong bagong baby ko na si Dr. Alex kasi bawat character na ibinibigay po sa akin, I take care of it, parang mga baby ko. So this one, she’s different, medyo funky siya na nakakatawa na normal na tao na nagmahal.”

Sa kuwento, para malibang sa buhay dahil walang nanliligaw sumama siya sa pinsan niyang bading (Cholo Barretto) para mag-yoga at dito niya nakilala ang gwapong instructor pero maloloka siya sa mga susunod nitong eksena. Tanong namin sa aktres, na-attract na siya sa yoga instructor sa tunay na buhay?

“Dati nag-yoga ako, pero sandali lang kasi nu’ng napanood ko sa YouTube ‘yung bikram umayaw na ako, hindi ko pa naman naranasang ma-attract sa instructor ko,” saad ng aktres. Sa totoong buhay ay hindi na naa-attract si Yam sa ibang lalaki dahil going strong pa rin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend at limang taon na sila na kahit LDR (long distance relationship) ay napapananatili pa rin nilang exciting ang kanilang relasyon.

Tinanong namin kung may plano na silang magpakasal, “Wala pang plano, sasabihan kita pag meron na. Marami pa kasi akong gagawin, may movie pa ‘yung ‘Nightshift’ kay Direk Yam Laranas next year ipalalabas, tapos ‘yung Love Thy Woman (serye).”

Samantala, kinlaro ni Yam na hindi siya second choice sa seryeng Love Thy Woman dahil iniwan ito ni Erich Gonzales at personal na inalok sa kanya, “Actually, di ba, si Erich yata ang umalis? So, technically, I don’t think I’m the second choice because ako ‘yung pinili nilang una to replace her. So, nakakataba rin ng puso na ipinagkatiwala sa akin ni Sir Deo (Endrinal) ‘yung project na ito.

“Actually, pumunta sila sa VIVA, yung team nila ang pumunta sa VIVA. Nag-meeting, iprinesent nila ‘yung story sa akin. Actually, hindi ko pa nga alam na si Erich ‘yung original noong pinuntahan nila ako. Nagpakipot muna ako, siyempre, pero game na ako! Sabi ko, ‘Give me the script muna, basahin ko muna.’ So, anyway, the next day, I told them okay na, go na ako.”

Masaya ang dalaga na maganda ang mga natatanggap niyang offers at lalo’t Dreamscape Entertainment ito. Dito rin ang una niyang project, sa FPJ’s Ang Probinsyano. Aniya, “This is a good opportunity also. Makakatrabaho ko ‘yung mga batikang aktres king si Eula Valdes, idol kong number one because of Pangako Sa ‘Yo, sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz. Wow! Mga bigating artista.

“I’m sure this will be a good experience for me and I’ll learn a lot also. And ‘yun bago na naman, bagong environment, bagong project, bagong character, so I think this will help my growth as an actress,” aniya pa.

Ibinuking din ni Yam na mas matindi pa kay Jade ang role niya sa Love Thy Woman dahil, “Hindi naman sinabi na magiging kontrabida pero I’ll probably cause the chaos in the story. I think she’s pretty bad, sa pagkakakilala ko kay Dana Wong. Kasi third week na kaming nagte-taping. Ano ba ‘tong character? Krung-krung din, mas baliw pa kay Jade! Pero ito, mayaman naman siya kaya iba naman.”

Anyway, ang “Uncoupling” ay handog ng Big Reveal Entertainment at iWant.

Read more...