Trending ang guesting ni Kisses Delavin sa Eat Bulaga recently. Napanood siya for the first time sa noontime show ng GMA bilang celebrity contestant sa “Bawal Judgmental segment”.
Ilan sa mga hashtags na ginamit sa nasabing episode na libu-libo ang hinamig na likes at comments ay ang #BawalJudgmental at #KissesDelavin. Ayon sa young actress, hinding-hindi niya makakalimutan ang experience niya sa Kapuso noontime show dahil nabigyan siya ng chance na makita up close and personal ang mga hinahangaan niya sa Bulaga.
“Si Ate Maine po nakita ko po siya sa backstage at niyakap niya po ako. And niyakap din ako ni Ryzza Mae. Sobrang cute niya po!” ani Kisses.
When asked kung sino sa mga Kapuso stars ang talagang iniidolo niya noon pa, yan ay walang iba kundi ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
“Tingin ko po napakabuti ng puso niya at tsaka magaling siya sa acting. At napakaganda niya po at tsaka nakuha niya po ang puso ng mga Kapuso,” sabi pa ni Kisses na talent na ngayon ng All Access to Artists Inc. (Triple A) Management na siya ring humahawak sa career nina Marian at Maine.