Lani Mercado puring-puri si Maine: Tahimik lang siya, walang yabang na bata

NAKATSIKAHAN namin si Bacoor City Mayor Lani Mercado bago siya lumipad patungong US para um-attend ng wedding ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita.

Naikuwento ni Mayor Lani ang naging experience niya working with Maine Mendoza sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Mission Unstoppable” na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

“Naimbitahan ako ni Bosing Vic na maging nanay ni Maine sa movie nila. So, may MMFF po ako this year,” sabay tawa ni Mayor Lani.

Aminado ang actress-politician na matagal na siyang fan ni Maine, “Remember nu’ng una kaming pumasok dito, may Halloween parade kami. Lahat sila Disney characters. Ang ginawa ng opisina ko was Eat Bulaga. So, nandoon lahat ng characters. Ako ‘yung Maine. Tapos ang music namin ‘yung ‘God Gave Me You,’ na theme song ng AlDub sa Kalyeserye,” say ni Lani.

May nagtanong kung sino ang ‘Alden Richards’ na partner niya sa event? “Si Bong Revilla ang Alden ko. Ha-hahaha! Wala, e, standee lang siya.”

Inilarawan ni Lani si Maine as a person based sa pagsasama nila sa “Mission Unstoppable” na ipalalabas na sa Dec. 25, “Tahimik siya, e. I find her very tahimik. Pero alam kong very busy siya. She’s doing two films nu’ng ginagawa namin ‘yung movie. Pero ang masasabi ko lang sa maikling pagsasama namin, walang ereng bata.”

Ironically, ang mister niyang si Sen. Bong na laging gumagawa ng pelikula sa MMFF noon ang siya namang walang entry this year, “Yes, unfortunately, wala siyang movie ngayon. Pero may pinaghahandaan po siya next year.

“Siyempre, ang focus niya ngayon simula noong manalo siya sa eleksyon is his public service profession. Tsaka gusto niyang patunayan sa tao na, ‘Tama po na ako ay ibinoto ninyo. Ako po ay participative. Ako po ay nagtatrabaho sa Senado.’ So, doon muna siya nag-focus,” lahad pa ng misis ni Sen. Bong.

Bukod sa bagong show sa Kapuso Network, ang fantasy series na Agimat Ng Agila kung saan gaganap siya bilang isang forest ranger, may kumalat ding balita na isa si Kathryn Bernardo sa mga pinagpipilian bilang leading lady ni Sen. Bong sa pelikulang gagawin niya sa 2020.

“Hindi ko po talaga alam ‘yung details. Ayoko po munang magsabi. Mas maganda po siya na lang ang magsabi. Although, merong project na naririnig ko, na may project with Kathryn. But I think, this is a different movie. I don’t know if it’s for filmfest. It’s a different movie aside pa po sa ipo-produce pa ng Imus Productions.”

Nakadagdag daw sa pagiging competitive niya ngayon ang napakagandang performance ni Manila Mayor Isko Moreno, “Oo, he has his own style of governance. Iba ‘yung hype niya sa simula. Pero kung ano ‘yung ginagawa ni Isko, ginawa ko rin ‘yan nu’ng term ko. Hindi lang ako ma-social media.

“Tsaka, mahirap din ang masyadong active sa social media dahil open ka rin sa criticisms, sa mga bashers. But so far, makikita naman sa mga award ang ginagawa namin, ang performance namin. So, ano lang, kanya-kanyang istilo lang yan,” pahayag pa ng aktres.

Nagbigay din ng comment si Mayor Lani sa reaksyon ng mga tao tungkol kay Mayor Isko, lalo na sa mga nagsasabing muling itinaas ng dating aktor ang imahe ng mga artistang pumapasok sa politika dahil sa mga ginagawa niya sa Maynila.

“I’m proud of him, since he came from the industry. Isa siya sa mga tinulungan naming public servants si Isko. He used to be sa Lakas party. We supported
him during his run as vice mayor. Saludo ako sa maganda niyang hangarin. Tsaka maganda ang program niya para sa Lungsod ng Maynila. Actually, ka-sisterhood namin ang City of Manila,” aniya pa.

Read more...