Lalaki pinatay sa harap ng pamilya

NASAWI ang isang lalaki nang barilin sa harap ng kanyang pamilya, sa San Pablo, Isabela, Miyerkules ng gabi.

Agad ikinasawi ni Wensley Eugenio, 55, ang tama ng bala sa likod, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-8:30, sa Brgy. Limbauan.

Naglalakad pauwi si Eugenio, kanyang misis, at kanilang mga anak, nang siya’y lapitan at barilin mula sa likod.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang Florenzo Tippang, na kinilala ng mga saksi bilang ang gunman, ayon sa pulisya.

Read more...