Magkakabalikan

Sulat mula kay Sharon ng Barangay Cagniog,
Surigao City    
Dear Sir Greenfield,
Mabigat ang problema ko ngayon.  Mahaba-habang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko nang bigla kaming nag-break. nanghihinayang ako sa mahabang panahon ng kaligayahan.  Bigla na lang siyang nagalit at ang dahilan ay maliit na bagay lamang.  Nagtataka rin ako kung bakit hindi kami nagkasundo sa maliit na bagay na iyon. Ngayon panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya ako sinasagot. Ako na nga ang nagpapakumbaba at humihingi sa kanya ng sorry, pero hindi siya sumasagot. Dedma lang siya sa mga ginagawa kong effort na magkabalikan kami.
Ano po ba ang dapat kong gawin para pansinin niya ako?  Magkakabalikan pa kaya kami at muling magiging maligaya tulad ng dati? Siya na kasi ang lalaking gusto kong mapangasawa at makasama habambuhay. September 27, 1993 ang birthday ko at May 19, 1990 ang birthday niya.
Umaasa,
Sharon ng Barangay Cagniog, Surigao City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, napakalaki ng tsansa na muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo. Basta ‘wag ka lang manghinawa sa pagte-text at pangungumusta sa kanya, darating din ang araw – magte-text back siya, upang hilingin na kayo ay personal na magkita.
Cartomancy:
King of Hearts, Six of Hearts, at ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mahal ka ng boyfriend mo, at sa taon ding ito, tiyak ang magaganap – muli kayong magkakabalikan.

Itutuloy

Read more...