SOBRANG naantig ang puso ni Vice Ganda nang may isang inang humingi ng tulong sa kanya through Twitter.
May #AskViceGanda na paandar ang Gandang Gabi Vice host sa Twitter when a mom asked him for help.
“Can you help our baby @vicegandako? Fund raising lang po for the HEART SURGERY of our Sebastian Theone Meron po kasi siyang ATRIAL SEPTAL DEFECT.
“May butas po ang puso niya na hindi po kusang magsasara. Kasing laki po ng piso. Malaking tulong po sa kanya ito. PM lang po. Salamat.”
Agad-agad ang reply ni Vice, “My road manager @janbariuad will DM you. God bless your baby.”
Super na-happy ang mother who said, “Thankyou so much po!!! indeed, you’re a blessing to everybody!!!”
With that, ang daming pumuri kay Vice Ganda.
“Awwww! God bless you Vice! Sana maging magaling na po baby ninyo.”
“Sobrang bait mo mamshiee. Angels brought you here to help us. I love you. Thankyou kasi lagi mo kong minimotivate kaya patuloy akong lumalaban! Can’t to see you and hug you.”
“God bless you mommy @vicegandako. God is so good to you because you have a good heart. Continue to be a blessing. Wish to see you when I get home. You always put a smile in my face.”
“Sana magkaron ng show si Vice na parang Wish Ko Lang para madami pa siyang matulungan.”
Good vibes ito para sa fans ni Vice Ganda. For sure, marami pa ang matutulungan ng bida ng “The Mall The Merrier.”
Anyway, inaabangan ng fans kung ige-guest ng comedian ang boyfriend niyang si Ion Perez sa GGV. Kasama kasi sa MMFF movie ni Vice Ganda ang kanyang dyowa kaya may reason naman para makasama ito sa Sunday program.