Ate Guy nag-ala Santa Claus sa Obando, namigay ng pera sa mga bata

NORA AUNOR

NAPAAGA ang Pasko para sa ilang mga batang taga-Obando, Bulacan. Namigay kasi roon ng aginaldo ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Nasa taping si Ate Guy ng bagong Kapuso serye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit nang pilahan siya ng mga batang nanonood sa kanila. Sa mga larawang naka-post sa social media, makikita ang mga bata na nagmamano sa Superstar habang namimigay ng pera.

Makakasama ni Ate Guy sa TV adaptation ng kanyang classic movie na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, at Yasser Marta with Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Isabel Rivas at Divina Valencia.

Read more...