HOROSCOPE August 1, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 1, 2013

Madam Sophia - August 01, 2013 - 01:37 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag pairalin ang pagiging galante. Okey lang mag-blow-out wag lang sobra. Alalahanin mong mahirap kitain ang pera. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pag-galantehan – ang iyong kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Blue at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Now na ang tamang panahaon upang paramihin ang salapi. Sa pag-ibig ay ganon din, ngayon na ang sandali upang ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na halik. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s Now or Never!” Silver at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi kailangan ang awa sa daigdig ng kalakalan. Panatiliin ang ugaling  metryoso upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, praktikal na desisyon ang dapat upang magkaroon ng isang maunlad at maligayang pamilya. Mapalad ang 9, 18, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—‘Wag magtiyaga sa kasalukuyang pinapasukan.  Ituloy ang balak na paglalakbay. Sa  ibayong dagat mas magiging masagana ang buhay ng pamilya. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at gray ang buenas
Cancer – (June 22- July 22)—Lagi makisama sa mga Capricorn! Sila ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, sa isang Capricorn ka makakasumpong ng isang maligaya at masaganang pamilya. Mapalad ang 4, 16, 22, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Mayabeeja-Om.” Purple at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Unang araw ngayon ng buwan. Magsuot ng kulay na dilaw, upang suwertehin sa larangan ng pag-ibig at aspetong pang-materyal. Mapalad ang 1, 19, 27, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Bukod sa yellow ang red ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Marami kang alam, pero bakit hindi ka yumaman? Hindi mo kasi ginagawang salapi ang iyong mga kaalaman. Umpisahan mo na ngayong gawing produkto ang iyong karunungan at ibenta, kaysa iba ang makinabang. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Mag-relaks upang wag ma-stress! Ang payapang isipan ang susi ng tagumpay at wagas na kaligayahan. Subukang mag-meditate sa umaga bago makihalubilo sa magulong lipunan.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Gosvani-Jiva-Om.”  Lilac at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tularan ang alakdan, lakad ng lakad, Ito ang susi ng tagumpay! Kung malapit lang  pupuntahan, maglakad ka na lang hanggang sa makatisod ng suwerte at magandang kapalaran. Sa paglakad, nakatipid na nakapag-ehersisyo pa.  Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devah-Om.” Red at blue ang buenas
Sagittarius – (November 22 – December 21)— May mag-aabot ng malaking halaga galing sa ibang bansa. Wag tanggihan, minsan lang siyang dumating. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 6, 14, 23, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Pink at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Dagdag na sipag pa ang kailangan! Malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, hindi baling may tampo ang kasuyo, ang mas mahalaga, patuloy na dumarami ang iyong pera. Mapalad ang 8, 13, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Gorocha-Chandaya-Om.” Green at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Marami talagang pagsubok ngunit kusa naman itong masosolusyunan. Sa pag-ibig, kahit hindi masyadong maligaya, mapupuno naman ng pagpapalang pang-materyal ang buhay. Pagsapit ng edad mong 55 mayamg-mayaman ka na. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Dosya-Om.” Yellow at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Tandaang ang taong buo ang loob ang yaman ay lubos. Sa pangangalakal wag ng magdalawang isip pa, ipatupad agad ang iyong mga binabalak kahit na maraming komokontra. Sa pag-ibig, isa isangtabi muna ang relasyon ang mas mahalagang gawin ay ang pagpapayaman. Mapalad ang 7, 16, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Green at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending