Ai Ai umiral ang pagkapilya sa loob ng simbahan, kinunan ng video si Gerald

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

PANATA na ni Ai Ai delas ang buuin ang Pinoy Chrismas tradition na Simbang Gabi na nagsimula na nga nitong madaling-araw ng Dec. 16.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Comedy Concert Queen para ipaalala sa kanyang mga fans and followers na simula na nga ang nakagawiang tradisyon ng mga Pilipino bilang hudyat ng Kapaskuhan.

Bukod dito, nagpaalala rin ang komedyana sa lahat ng mga magsisimbang gabi kung ano ang dapat isuot sa pagdinig ng Banal na Misa.

Nitong pangalawang araw, Dis. 17, magkasama sila ng asawang si Gerald Sibayan na um-attend ng Simbang Gabi. Pero kahit nasa Simbahan ay umiral pa rin ang kapilyahan ng Comedy Queen.

Aba, kinuhanan niya ng video si Gerald na nakapikit habang nagmimisa. Caption ni Ai Ai sa kanyang IG video, “Laban lang Darl kaya naten to para kay Lord.”

Sa mismong araw ng Pasko, bago humarap sa kanyang mga inaanak, magpapaligo muna siya at magpapakain sa mga kinakalinga ng Missionaries of Charity sa may Tayuman, Manila.

Read more...