Nag-viral ang bikini photo ni Nadine Lustre sa social media.
Talagang pinag-usapan ang photo na iyon dahil napakaseksi ng aktres. Halos lumuwa na ang pisngi ng langit sa kanyang white bikini.
There are those saying na photoshopped ang picture dahil hindi sa bar kundi sa beach ang original na location nito. Na-bash si Nadine dahil sa kanyang very daring na litrato. Pero may mga dumepensa naman sa kanya.
“Hindi naman pagwawala ang tawag jan. ineenjoy niya lang ang life. Hindi niya ko big fan but i admire her of how she enjoys her youth and di niya iniisip sasabihin ng ibang tao ang importante kung ano nagpapasaya sa kanya.”
“Yung iba kasi kapag celebrity talaga kahit medio maselan kahit sino kuha lang ng kuha ng pic. dapat nga talaga may privacy at batas pa rin para diyan puwera lang kung sponsor nila o kasama sa kontrata nila. Sa madaling sabi bawal kumuha sa ganyang kaselan na kuha lalo lingid sa kaalaman niya.”
“Kapag si Nadine talaga nagbikini, daming hanash. Mga kinulang sa confidence magbikini, kaya yung mga insecurities nila sa katawan, idadaan na lang ng iba sa pambabash kay Nadine. Jusme! 2020 na, issue pa rin sa inyo ang pagsusuot ng bikini. Sa 2020, may NEW blessings ulit yan si Nadine. Unbothered Queen!”