Amo na hindi nagre-remit ng SSS contribution, ireklamo

BIBIGYANG pansin natin ngayon ang reklamo ng isang kasambahay tungkol sa kanyang amo na hindi nagre-remit ng SSS contribution.
Narito ang kanyang liham sa atin:
“Sir Alan, magandang araw po sa inyo.
“Ano po kaya ang gagawin ko sa amo ko. Hindi po kasi siya nag-reremit sa SSS ng aking monthly contribution. Isa po akong kasambahay at eight years na ako sa amo kong Intsik.”
Made in Binondo
***
Dear Made in Binondo,
Hindi lang ikaw ang dumadanas ng ganyang sitwasyon. Marami tayong mga kasambahay na hanggang ngayon ay hindi nakakatanggap ng SSS benefits sa kanilang mga amo bagamat may pinaiiral na batas hinggil dito.
Sa tanong mo kung ano ang gagawin mo sa amo mong hindi inireremit ang dapat ay monthly contribution mo ay kausapin mo siyang mabuti at ipaliwanag sa kanya na may responsibilidad siya na bayaran ang iyong SSS. Gagawin natin ito nang maayos para naman hindi ka tanggalin o sibakin sa iyong trabaho dahil baka ma-offend siya.
Ang ideal na gagawin natin ay ipagbigay natin sa SSS public affairs at sila na ang kakausap sa amo mo upang hindi naman sumama ang relasyon ninyong dalawa. Maari mong ibigay ang complete name, address at contact number mo at saka ibibigay natin ito sa SSS para sila na ang kumausap sa kanya.

Read more...