Duterte may banat kay Winnie Monsod sa kabila ng pagpuri ng huli sa pangulo

MAY banat si Pangulong Duterte sa television host at columnist na si Solita “Winnie” Monsod sa kabila naman ng papuri ng huli sa presidente kaugnay ng pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa.

“But anyway, the President asked me to give his response to this columnist. He said: tell her I hate being patronized! ‘F’ you!” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvadoe Panelo sa kanyang briefing.

Ito’y matapos na purihin ni Monsod si Duterte sa pagbaba ng mga mahihirap sa bansa.

Iginiit naman ni Panelo na duda ang Palasyo sa motibo ni Monsod.

“But I’m asking: Aren’t you surprised suddenly this columnist is praising—is heaping praise on the President?” dagdag ni Panelo.

“From the time this President assumed office, she has not said any good word and then suddenly there is praising,” ayon pa kay Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na posibleng may motibo si Monsod sa kanyang pahayag.

“There must be some reason. Is she laying a predicate?” giit ni Panelo.

Read more...