Smokey dream come true makatrabaho si Alden: Fan ako!


Natuwa ang Kapuso viewers nang napanood nila ang comedian na si Smokey Manaloto sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Ginagampanan ni Smokey sa serye ang karakter ni Bradley, isang matapang na pulis. “Yes, ako ay isang tuwid na pulis na tutulong kay Sep para mahuli na niya si Jared,” sey ng aktor na ang tinutukoy ay ang mga karakter nina Alden Richards at Martin del Rosario.

Puring-puri niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden na first time niyang nakatrabaho, “It’s exciting kasi medyo matagal-tagal din akong hindi nakapag-taping sa Channel 7. And dream come true ang The Gift para sa akin dahil fan din ako ni Alden.

“And it’s always a treat na makasama ko ‘yung bagong directory naman sa listahan ko ng mga artista na matagal ko na rin hindi nakakatrabaho,” dagdag pa niya.

Ngayong nakakakita na uli si Sep, maipakulong na kaya niya si Jared para pagbayaran lahat ng kasalanan nito? Pero paano kapag nalaman niyang magkapatid pala sila sa ina? Patuloy na tutukan ang The Gift after Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

 

Read more...