Maine, Arjo napag-uusapan na ang kasal: Nagpasalamat sa suporta ng Armaine fans

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

NAPAG-UUSAPAN na rin nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang future together.

Game na game na sinagot ng Dubsmash Queen ang tanong ng entertainment media tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend sa presscon ng Metro Manila Film Festival movie niyang “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Ito ang unang pagkakataon na very open na nagsalita ang dalaga about Arjo, “Kasi, wala naman nang dapat itago, open naman na po kami.”

Aniya, may mga pagkakataon na pinag-uusapan na rin nila ni Arjo ang kanilang kinabukasan pero wala pa sa immediate priorities nila ang magpakasal.

“Nag-uusap na rin kami about the future kasi, siyempre, tumatanda na rin ako. Siya, he just turned 29,” chika ni Maine.

Rason ng Eat Bulaga host, “Mahirap din kasi kaming magkakapatid, e, sunud-sunod. Yung kuya ko muna tapos yung isa ko pang ate ‘tapos ako, so feeling ko mga 28.

“May dalawa pang kailangang ikasal. Tama lang kasi ang marrying age ko is 28,” sey pa ng 24-year-old actress-TV host.

Kitang-kita namang kinilig ang dating ka-loveteam ni Alden Richards nang tanungin kung nakikita na niya ang sarili na forever nang kasama si Arjo.

“Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras na kasama yung mga taong hindi natin gustong makasama habambuhay,” sagot ng dalaga.

Birong pahayag pa ng Phenomenal Star sa mga reporter, “Balikan n’yo ako kapag hindi nag-work ang mga bagay-bagay.”

Samantala, super thankful naman si Maine sa lahat ng kanyang fans na suportado ang relasyon nila ni Arjo.

“Thankful rin ako kasi marami naman akong tagasuporta na sumusuporta rin sa personal life ko, na pati ‘yon sinusuportahan nila and minahal nila yung mga… ‘yon,” aniya pa.

Read more...